Sunday, July 18, 2010

Pamaraan ng Pag Plancha

Saw this in my files.  This is part of the Household Manual which is in english.  This is from 10 years ago.  Our maid at that time requested that it be translated in tagalog so she will understand.

This procedure assumes that the maid knows how to iron.  There is a different file on  how to iron  pieces of clothing. 

Caveat:  Article may predispose to nose bleed!

Para hindi  mahirapan at para sa mas mabilis at maayos  na pag plancha

Bago mag umpisa sa pagplancha, paghiwalayin ang mga nilabahan:
  • pantalon
  • mga t-shirt
  • panlabas
  • pambahay
  • mga t-shirt na may kuwelyo
  • mga damit na kailangang i-hanger
  • mga damit ng mga bata
  • panlabas
  • pambahay
  • mga twalya
  • mga bed sheets at punda ng unan
  • mga medyas
  • mga panty at bra
  • mga pantulog
  • etc.

  1. Itupi ang mga hindi kailangan planchahin, mga bed sheets, twalya, medyas, bra,  etc.  Itabi.
  2. Unang ilagay ang mga bed sheets at twalya sa lalagyan para ito ang nasa ilalim.
  3. Unang planchahin ang mga pantalon. Ihanger lahat
  4. Isunod ang mga damit na kailangang i-hanger. Isunod ang mgs polo, blouse.  Kung maselan ang tela, ihuli. I-adjust ang init ng plancha.
  5. Isunod ang mga T-shirts, tapos and mga damit ng mga bata.
  6. Ipangalawa mong ilagay sa lalagyan ang mga pambahay na damit pagkatapos ng mga kumot at twalya.  Tapos ay mga shirt na may kwelyo, tapos mga damit ng mga bata, kay Tudy muna tapos kay Sabrina.
  7. Ihuling ilagay ang mga malilit, medyas, etc.
  8. Siguraduhing maayos ang pagkakatupi ng mga damit.
  9. Huwag isiksik ang mga pinamalancha para hindi malukot.
  10. Ilagay sa puting hanger ang mga damit namin.
  11. Pag tinutupi ang mga damit, pagsamasamahin ang kung kay kanino.
  12. Pagnakakita ng hindi maganda ang pagkalaba, huwag nang planchahin.  Labahan muli.
  13. Kung ikaw ay may hindi maintindihan o kaya ay may katanungan.  Magtanong sa akin.

Sana ay hindi  na mahirapan at mapadali na ang  pamamalancha.

No comments: